Oo ito na nga yung lugar na kung saan namin ipinagdiriwang ang aming pagbibigayan ng salamat III...
Talagang seryoso ito sa pagiging Bakasyunan na lugar ah, may cell reception naman ito ang layo mula sa bayan at napakatahimik at matiwasay ang paligid ngunit tumatanglaw ang mga ilaw sa paligid bagamat tama lang ang dami nito at napakasarap kumuha ng mga litrato sa iba't ibang bahagi ng LifePlace.
Kaya pa man kwento ko na, diba malayo ito sa Alfonso Cavite pa eh kung taga doon karin naman eh ang lapit lang pala hahaha 😂 pero yun na nga malayo man pero napakasarap bumiyahe. . .
Nang makapasok kami at may isang paunten na kagad kami nakita, isang nakakatuwang disenyo na nagsasabi ng Pagibig pero at habang nalalakad papunta sa parang gasebo laking saya ko nang makarating kami kahit man nahuli may hapunan parin na hinain para sa amin. . . Awee. . .
Bulanglang man toh o pakbet pero masarap at magistuhan ko lalo na yung kalabasa at sitaw, meron din tayong Adobo at yung nagbigay gana talaga sakin kumain ay ang nilagang baboy nila, ang dami kong kanin na kinain dahil dito sabaw pa nga lang nangingibabaw na ang sarap ng pagkalaga at ang karne ay napakalambot sa pagkain niyo at mga iba pang rekado tulad ng petchay, patatas at paminta! Malamang pero yung kamote talaga yun hahahaha 😂 napaka-ay talaga lang
Naglibot libot kami nung gami at nahirapn nga lang ako kumuha ng mga litrato dahil nga gabi pero halika samahan mo ako hahaha 😂
Ito nga pala yung para gasebo na place, dahil nga katulad ng sinabi ko kanina na malawak yung mismong lugar pati rin yun mga bahagi nito tila ilan beses ko magagamit yung tumatanglaw, maliwanag, maparikit at kung ano paman pumasok sa isipan ko kaya paman hahahaha 😂 halika. . .
Dito Kami nagmula kanina. . .
So ito na nga yung mga kabana, para mamaya matitulog nalang kami pero iniwan na muna namin gamit sa kabana kaso bakit pa ba namin dadalhin, alin nga ba rito yun?
Ito ata yun. . . Di ko sure basta may pinasukan ako bali pala kami kamo hahaha 😂
May halong pagnangatitigilan at kaba kasi may pagkatakutin rin ako pero pagdating sa biruan ang lakas ng loob ko hahaha 😂
Yung unang namin napansin mula sa kabana namin ay yung tumatanglaw na gusali, hindi ko aakalain na simbahan pala ito ngunit napakaganda ng pagkagawa para sakin.
At mula rin sa kinakatayuan ko.
Yung buong lugar (kahit hindi naman talaga. . .) napakaluwag at maaliwalas ang simbahan na ito, napakaganda para sa mga okasyon niyo tulad ng binyag at kasal. Hanggang doon lamg muna dahil kanina pa man. Hanggang doon lang muna, dahil kanina pa kami nasa labas at gusto ko na rin magpahinga bukas pakita ko sayo yung iba pang bahagi ng LifePlace.
Sa kuwartong nasa pagitan ng kisame at bubungan kami natulog, napakaluwag naman ng puwesto namin at para bang naka erkon ka, pero may kumakaluskos, 'di ko na inalam kung ano payun dahil pagod talaga ako kaya natulog nalang ako.
Kinabukasan, nagising ako mga bandang alas sais at di pa nagbubukang liwayway, napakalamig sobra at kaya naman pala, pati bubong kasi naghahamog na dahil sa lamig, may kumakaluskos ulit akong narinig at sinabayan ito ng mainam na tiririt, doon ko lang napansin na ibon lang pala yun kala ko. Kung ano na eh, pero binalak ko lumabas para tignan ang paligid kahit wala pang sinag.
Mukhang nagbubukang liwayway narin pala pero ang dalim parin, kaya nag masidmasid at pinagmasdan ko muna kung ano nasa paligid ko, lalo na yung mga namumukadkad bulaklak na mapansin ko.
Ilang beses ko na ito makikita at ilan beses ko rin naaalala yung maling pagtawag ko rito, bougainvillea talaga yun pero tawag ko noon bumbilya. Simula grade four hanggang grade five yun ang tawag ko diyan, mukhang timang lang diba pero tila para itong rosas may mga tinik ngunit napakaganda kaya't pa man pagtayo natuksong hawakan na walang pag-iingat tayo rin ang masasaktan...
Natatandaan niyo nung tayo'y bata pa, kung minsan dinikdik natin ito, lalagyan ng unting tubig at kukuha ng tayo ng istro at siyempre alam natin yun... Mga araw ng kabataan natin.
Pati man damo napagbiruan kong kunan ng litrato ngunit napakaganda ng ito lalo kung ikaw mismo ang titingin nito, mga simpleng bagay na masarap pagmasdan
Kagabi di ko na na kunan ng litrato ito dahil sa pagod, maganda naman ito kahit umaga pero mas maganda kung may ilaw na nakabukas, may mga lampara kasi na nakasabit, at itong bilong na dahon ay nagsisilbing bastidor para sa mga litrato niyo.
Dito namin ginanap yung UBP Pasasalamat Bigay, napakaluwag naman ng lagar. Bago pa man yung Pagdiriwang.
Ayan lumiliwanag na.. . Kita naman na napakalawak niya diba?
Ito yung kabuuan ng kanina kong sinasabi.
Binalikan ko ito para ipakita sainyo ng hindi gani hehehehe 😂
Ito naman sa labas sa maliit na pasukan.
May paradahan naman para sa mga sasakyan niyo kung kinakailangan, at mukhang kakailanganin niyo rin talaga kung ayaw niyo mamasada. Pero kung meron the mas madali pero makipag karpul naman kayo para rin sa kalikasan natin.
May taniman din sila ng saging.
May nahanap ka? Kami oo pero ang taas eh hahaha 😂 parang nagsarap tuloy kumain ng turon o saging kon yelo.
Ito yung dining area nila, pero halos saan naman pwede ata pati rin naman maglinis tayo pagkatapos natin ah hindi lang dito pati rin sa mga pasyalan.
Binalikan ko yung simbahan at tanging ang ganda ng pagkagawa talaga para sakin.
May umakyat ng puno ng buko kaya pa man nagtataka ako.
Nang mapansin ko nagtatwag napala sila upang magsighanda na at magbihis. Para sa ganap mamaya kaya paman sa litrato na ito nakatayo ako sa may harao ng simbahan bago sa hagdanan at kung mapapansin niyo yung parang ikinakatayuan ni kuyang nakapula ay isang maling lugar para rin sa mga gimik niyong magkakasama, kasal man yan, biyang, o pampalubay na gawain bilang kampanya o tila parang gusto niyo lang talaga magpahinga mula sa siyudad na pamumuhay pwede rin kayo manatili sa